Mapagkawanggawang proyekto ng La Proteccion de la Infancia na nagbibigay ng gatas sa mga sanggol. Pinasinayaan sa Daang San Pedro, ngayon Daang Evangelista, Quiapo, 1907. Nagpatayo ng bagong gusali sa Sampaloc, 1914. Dinisenyo ni Arcadio at Juan Arellano batay sa Ospedale Degli Innocenti ni Brunelleschi sa Florence, Italya. Binuksan, 1915. Inayos, 2002.
Content courtesy of
Encyclopedia of Philippine Heritage, which is an ongoing program
of the Wiki Society of the Philippines.
Wikimedia image page here, image license is CC-BY-SA-3.0.