Sa pook na ito itinayo ng mga Kastila ang tinggalan ng tubig na may lawak na dalawang ektarya at may lalim na dalawandaang talampakan. Dito naganap ang labanan noong ika-30 ng Agosto, 1886. Ginamit hanggang noong panahon ng Amerikano nang itayo ang tinggalan ng tubig sa San Juan at ang salaan ng tubig sa Balara na pinamahalaan ng dating Metropolitan Water District.
Content courtesy of
Encyclopedia of Philippine Heritage, which is an ongoing program
of the Wiki Society of the Philippines.
Wikimedia image page here, image license is CC-Zero.