Ipinanganak sa baryo ng Burongan, ngayo’y Jaguimit, Dueñas, Iloilo noong 28 Agosto 1851. Makabayan, at ulirang nars ng mga sugatang Pilipino noong panahon ng himagsikan sa Kabisayaan. Tinahi niya ang bandilang Pilipino na iwinagayway sa Dueñas noong 12 Hunyo 1899, unang anibersaryo ng pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas. Namatay noong 27 Enero 1945.
Content courtesy of
Encyclopedia of Philippine Heritage, which is an ongoing program
of the Wiki Society of the Philippines.
Wikimedia image page here, image license is PD-PhilippinesGov.