Sa pook na ito, noong 1896, itinatag ng Tsinong panday na si Jose Ignacio Paua, na naging Heneral noong Himagsikang Pilipino laban sa Espanya at Labanang Pilipino - Amerikano, ang isang Arsenal sa utos ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dito ginawa at kinumpuni ang mga baril at lantaka ng mga manghihimagsik sa tulong ng iba pa niyang kapwa Tsino at Rebolusyonaryo.
Content courtesy of
Encyclopedia of Philippine Heritage, which is an ongoing program
of the Wiki Society of the Philippines.
Wikimedia image page here, image license is PD-PhilippinesGov.